asociación filipina de escritores e investigadores · pdf fileasociación...

7
Kabataan, nakikipagsapalaran, nangangarap Mataas ang pinag-aralan u Masayang Magkasama? Españoles Inmigrantes na rin u DH panalo! ASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES EN ESPAÑA. Nº 8 NOVIEMBRE 2011 Mangarap Tayong LIBRE

Upload: dongoc

Post on 10-Feb-2018

269 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: ASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES · PDF fileASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES EN ESPAÑA. Nº 8 NOVIEMBRE 2011 Mangarap LIBRE Tayong. Ayon sa Remesas.org,

Kabataan, nakikipagsapalaran, nangangarap Mataas ang pinag-aralan u Masayang Magkasama?

Españoles Inmigrantes na rin u DH panalo!

ASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES EN ESPAÑA. Nº 8 NOVIEMBRE 2011

MangarapTayong L I B R E

Page 2: ASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES · PDF fileASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES EN ESPAÑA. Nº 8 NOVIEMBRE 2011 Mangarap LIBRE Tayong. Ayon sa Remesas.org,

Ayon sa Remesas.org, ang mga Paraguayo at Boliviano ay nagpapadala halos 30% ng kanilang suweldo. Habang ang mga Argentino naman ay nagpapadala ng 8% ng kanilang suweldo. Ang mga Britaniko na may pinakamalaking kinikita sa Espanya ay hindi nagpapadala. Ang pinakamalaking magpadala sa lahat ay mga Tsino at Filipino: umaabot sa 3,000 euros bawat taon.

300 tao nakakakuha ng nacionalidad española

bawat arawBawat araw halos 300 extranjeros

ang nagiging Espanyol. Ayon sa ulat, kailangan lang ng dalawang taon na residencia legal sa España para sa mga extranjeros na nanggaling sa Latin America (kasama na ang Brazil), Pilipinas, Equatorial Guinea, Portugal, Andorra at sefardíes (ang mga Hudyo na ipinitalsik sa Espanya noong 1492) para makapag-apply ng nacionalidad.

2 unibersidad sa Pilipinas nasa top 50

Dalawang unibersidad sa Pilipinas ang napasama sa top 50 English-speaking universities sa buong mundo. Ang sarbey ay isinagawa ng QS World University Rankings. Pang-34 ang University of the Philippines at pang-35 naman ang Ateneo de Manila University.

2 3

MAGANDANG BALITA

Ang Bagong Filipino is published by Asociación Filipina de Escritores e Investigadores en EspañaEditorial Board: Kay S. Abaño, Francisco Javier Gutiérrez Rodríguez, Nathaniel Sisma Villaluna, Anna Mae Tolentino

Layout Artist/Editorial Consultant: Juan Vegezzi. Editor in Chief: Daniel Infante Tuaño. COVER Photo by Kay S. Abaño

Articles may be reproduced as long as the name of the author(s) and the publication are cited. The opinions expressed herein are solely of those of the writers and

contributors and do not necessarily reflect the view of the staff of Ang Bagong Filipino. Please note that the content of the published ads is provided by external

users, and do not represent any views or opinions nor necessarily constitute or imply endorsement, recommendation, or favoring by Ang Bagong Filipino.

Victory for Domestic Workers!

To loud applause and tears, the Geneva-based

International Labour Organization (ILO) has adopted

a treaty to protect millions of domestic workers around the world.

Under the new international legal instrument an estimated 100 million

household employees should benefit from the right to vacation, maternity leave, unemployment insurance and regular working hours. After ILO’s approval, it’s now the turn of respective governments to ratify the Convention.

The Spanish government should prove to the world that it is indeed serious in its commitment in promoting equality and human rights by including the contents of the Convention in its domestic laws.

Tsino at Pinoy nangunguna sa padala

I came to Spain in the hope of finding greener pastures, greener than Denmark and Norway,

where I grazed for 4 years as an au pair.

Despite the rumors that I had heard about Spain (long working hours, wearing of uniforms,

etc.), I still decided to go because it was already my last option. And besides, it has been a long

time dream of mine to be able to speak Spanish (there’s no better way to learn the language

than by living in the country) and to experience the culture that colonized the Philippines for

333 years. So, off I flew to Barcelona with only an agency to rely on (no family or friends)

and a luggage full of faith and hope.

I instantly liked the country because it reminded me of home--the super sunny weather, the

crowded streets (with garbage and hanging clothes outside the apartments), the Filipino Church

so full of churchgoers and so many kababayans all over the place.

I felt at home.

Then the going got tough when I started working: 12 long hours

of work compared to the easy, breezy 5 hours in Denmark and

Norway, a low salary (the employers took advantage of the fact

that I don’t have papers) and the constant fear of getting caught

by the police due to my “paperless” situation.

I’ve been super down for so many times when I feel that working

here doesn’t make sense anymore. I was already in the verge of

giving up and feel like going home and just start all over again.

But despite all the turbulence, I decided to stay and hang on

because I do believe that I am sent here for a purpose, a mission.

I might not understand it now, but I know I will surely fathom it

as the journey continues.

I looked for a new employer and learned to defend myself by answering or reasoning when they

seemed to be wrong or abusive towards me. I also attended Castellano and Catalan classes offered

by Centro Filipino to be able to understand and at least speak a bit (since I find the speaking part

difficult). And learning the 2 languages turned out to be very helpful both in understanding

and communicating with my employers and in defending my right as a worker.

As years go by, I already expanded my circle of friends here in Spain. First, I looked for my

CFC-FFL community here in Barcelona (it’s already present in almost all countries) where I am

already a member since 1997. It’s like having a huge family wherever I go, a family that keeps

me spiritually nourished. Then, I also joined VIS-MIN organization, a civic group for people

from Visayas and Mindanao. I also volunteered in Centro Filipino as a way of sharing my

talents and skills. Those two keep my social life active.

For me, it´s very important for OFWs to have time to relax, socialize and pamper themselves,

rather than just work, work and work! All work and no play make Juan a dull boy! So, we also

have to play and parteyyyy!

Does Spain have greener pastures compared to Denmark and Norway? No, it doesn’t have. But

they are way greener than what we have in the Philippines. No matter how difficult the ride will

be, I will hang on because this ride is not just for me, but also for my dearest family back home,

my most precious treasure! There’s a bright future here in Spain, as long as I will not allow

myself to be a slave for the rest of my life.

I will keep on going because I am confident enough that God will guide me. No matter how

hard and how long it will take, but I know that I’ll surely come to the end of the tunnel, where a

beautiful rainbow is waiting for me!

Julai

Open letter

Young Filipino migrants, full of optimism and resilience to face the challenges of living abroad.

Napabilang sa tatlong pinakamagagandang beach sa buong mundo ang White Island sa Camiguin. Ayon sa DTlux.com, isa ito sa mga lugar na

dapat na bisitahin dahil sa mala-paraiso nitong ganda, kasama ng mga beach sa New Chums sa New Zealand at Navagio sa Greece.

White Island sa Camiguin isang paraiso

Ang istatwa ng Oblation ng UP

Mga balita hinango mula sa:angbagongfilipino.wordpress.com, sisepuede.es, enlatino.com, akoaypilipino.eu, goodnewspilipinas.com, elpais.es, ofwjournalism.net, smc.org.ph

OF RAINBOWS AND GREENER PASTURES

Page 3: ASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES · PDF fileASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES EN ESPAÑA. Nº 8 NOVIEMBRE 2011 Mangarap LIBRE Tayong. Ayon sa Remesas.org,

Isa rin ito sa mga bansang may pinakamabisang programa para sa reagrupación familiar, pagkakaroon ng residencia de larga duración at integración (i.e. pantay pantay na karapatan sa pagkakaroon ng trabaho).

Dahil sa mga salik na ito, ayon sa naging pag-aaral na isinagawa ng Migrant Integration Policy Index III (MIPEX), nangunguna ang España sa larangan ng integrasyon. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong paghambingin ang mga programa ng integracion ng 31 bansa sa Europa at Hilagang Amerika.

Kahit pa nakatanggap ng papuri, hindi naman pinalampas ang ilan sa mga kakulangan nito. Sinegundahan ng pag-

aaral ang ulat ng United Nations na tumutuligsa sa mga ‘escuelas guetos’ kung saan pinagsasama-sama ang mga batang imigrante at gitano. Tinuligsa rin ng pag-aaral ang kabagalan ng proseso ng nacionalidad at ang kahinaan ng programa ng bansa laban sa diskriminasyon. Halos huli (pang-21) ang puesto ng Espanya sa kanilang batas at programa kontra diskriminasyon.

4 5

BALITA

Visit our blog:angbagongfilipino.wordpress.com

May facebook din kami! Add us up:

[email protected]

Bilang ng OFW na may HIV tumataas

Ayon sa huling National HIV and AIDS Registry statistics,

mahigit sa 166 OFW ang nadiskubreng may human immunodeficiency virus (HIV) kamakailanlang. Ang HIV ang pumapatay sa depensa ng katawan at

nagsasanhi ng AIDS, na hanggang ngayon ay wala pa ring natutuklasang lunas. Ayon pa kay LPG/MA Rep. Arnel Ty, “OFWs are exceptionally at high risk of acquiring HIV. Once they are exposed to foreign cultures, they tend to be more sexually active and put their guard down,”Ayon naman sa World Health Organization, ang pagtatalik nang walang gamit na proteksyon ang pangunahing paraan para makakuha ng HIV.

Matapos mahuli sa Agusan del Sur ang sinasabing pinakamalaking buwaya sa buong mundo at pinaghihinalaang pumatay ng dalawang katao, humihiling ang isang animal rights group na pakawalan ito.

Ayon kay Ashley Fruno ng People for the Ethical Treatment of Animals, ang mga hayop na nakakulong ay madaling

maagkaroon ng psychotic behavior at puwedeng maging mapanganib sa mga nag-aalaga at bumibisita rito.

Ang buwaya, na pinangalanang ‘Lelong’, ay tumitimbang ng 1000 kg. at may 6 na metro ang haba. Pinaghihinalaan itong kumain sa isang mangingisda at pumugot sa ulo ng isang 12 taong gulang na babae.

Pakawalan ang buwaya!

Malta, huling bansa sa EU na pinayagan ang divorce

Malta ang kahuli-hulihang bansa sa EU na pinahintulutan ang diborsyo. Karamihan ng mga taga-Malta ay Katoliko katulad ng Pilipinas. Dahil dito, ang Pilipinas na lamang ang nag-iisang bansa sa mundo na bawal ang diborsyo.

Mas pinaigting pa ng gobyerno ng Saudi Arabia ang

pagpapatupad ng ‘Nitaqat’, o Saudization, ang batas na

naglalayong unahing bigyan ng trabaho ang mga taga-Saudi at

bawasan ang trabaho para sa mga manggagawang galing sa ibang bansa.

Dahil dito, maraming Filipino ang maaaring mawalan ng trabaho. Humigit kumulang na 1.4 milyong OFW ang nagtatrabaho sa Saudi. Kamakailanlang ay ipinatupad ang ban sa mga Filipino

domestic helpers at ang pagbawas ng working visa na iniisyu sa mga Filipino.

Ipinapatupad ang Saudization upang malunasan ang problema ng kawalan ng trabaho ng mga Saudi Arabians at nang sa ganoon ay maiwasan ang mga pagkilos laban sa gobyerno. Matatandaang sunud-sunod ang mga protesta at rebolusyon ang nangyayari sa iba’t ibang bansang Arabe katulad ng Tunisia, Egypt, Yemen at Libya.

Pinaigting na Saudization

banta sa OFW

España, Top 10 sa integrasyon, kulelat sa diskriminasyon

Umaalis sa España dumarami,

imigrante pinipiling manatili

Dahil sa krisis, mas marami ang umaalis kaysa dumarating. Ito ay ayon sa huling ulat ng Instituto Nacional de Estadística na sinasabing 27 771 katao ang umalis sa España.

Ayon naman sa ulat ng Randstad, 70% ng mga Español na katatapos lang ng pag-aaral ay handang magbiyahe para magtrabaho sa labas ng bansa. Ang mga imigrante naman ay mas pinipiling manatili na lamang—mula sa 81% noong 2010, bumaba sa 69% ngayong taon ang porsyento ng mga imigranteng pinipiling umalis.

Nagsarbey ng 7000 kabataan (14-17 taong gulang) ng 200 paaralan sa Madrid at Barcelona, 63 nacionalidades, at 74% sa kanila ay gustong tumira sa ibang lugar, sa Amerika o sa ibang bansa sa Europa.

Ito ang naging kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa ng Center for Migration and Development ng Princeton University, Alejandro Portes at Instituto Universitario Ortega y Gasset. Salungat ito sa kagustuhan ng kanilang mga magulang—85% ang gustong sa España manirahan at magtrabaho ang kanilang mga anak.

Wikileaks: Pinoy ‘sakit ng ulo’ sa Sabah, Malaysia

Ang mga imigranteng Pinoy ay nangangaluhang gulo para sa mga taga-Sabah. Ito ay ayon sa nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng confidential cable na Wikileaks.

Ayon sa pahayag ni Masidi Manjun, Minister of Youth and Sports ng Sabah, sa mga US diplomats, ang Sabah daw ay punung-puno ng mga foreigners at tinukoy ang mga Pinoy Muslim na galing Mindanao sa mga nagdudulot ng gulo. Ayon pa sa kanya, ang mga Pinoy raw ay nakikinabang sa mga serbisyong ibinibigay ng Malaysia pero hindi sila nag-iintegrar sa lipunan.

Sa kabilang banda, binibigyang importansiya naman niya ang kontribusyon ng mga imigrante sa ekonomiya ng Sabah-- ‘We need them here, or our economy would collapse.”

Balang araw, gusto ba ng anak mong manirahan sa España?

Isang Filipina DH sa Roma, Italia ang nahuli sa aktong nagnanakaw sa kanyang 86-taong gulang na employer. Siya ay nabuking matapos magsagawa ng isang entrapment operation ang Policia.

Ayon sa pahayagang Ako ay Pilipino, tinatayang €80,000 ang kanyang nanakaw mula sa employer na kaniyang pinagsisilbihan sa loob ng pitong taon.

Pinay nahuling nagnanakaw!

Hanggang kailan kaya tatagal ang honeymoon nila?

BALITA

Kasalukuyang hinahanap ang New 7 wonders of Nature sa buong mundo, at ang Puerto Princesa Underground River sa Palawan ay isa sa mga kandi-dato. Ang underground river na ito ay tinuturing na pinakamahaba sa buong mundo!

Kapag napasama ito sa New 7 won-ders, mas maraming turista ang pupunta sa Pilipinas na siyang mag-bibigay ng trabaho sa ating mga ka-babayan. Tulungan ang bansa, bisita-hin ang www.new7wonders.com at iboto ang sariling atin!

New 7 wonders of Nature, iboto ang pambato natin!

España ang bansa sa Europa na may pinakamaraming imigranteng naging legal: 3.376.810 (noong 2009).

Ang Puerto Princesa Underground River ay kailangan ng suporta mo!

Page 4: ASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES · PDF fileASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES EN ESPAÑA. Nº 8 NOVIEMBRE 2011 Mangarap LIBRE Tayong. Ayon sa Remesas.org,

6

BUHAY MIGRANTE

7

BUHAY MIGRANTE

Ni Kay S. A

baño

Isa ito sa mga rason kung bakit ganoon kalaki ang pagpapahalagang ibinibigay nila sa edukasyon. Malaking bahagi ng mga perang padala ay inilalaan sa tuition o sa mga gastos sa iskwela. At kung minsan pa nga ay gumagastos sila ng malaki para maipadala sa mamahalin at magagandang iskwela ang anak o kapamilya.

Napakaimportante ng edukasyon para ating sa mga Pilipino. Ito ang tanging yaman na puwedeng maiwan ng mga mahihirap sa kanilang mga anak, ang siyang makapagpapaahon sa kanila sa kahirapan. Sinasang-ayunan ito ng ilang sociologists dahil ayon sa kanila ang edukasyon ay isang epektibong paraan upang makapanhik sa antas ng lipunan. Mas malaki ang tsansang umangat sa buhay kung may natapos ka.

Mayroon tayong mga kababayan na hindi pa rin tumitigil na iangat ang kanilang sitwasyon kaya nais pa rin nilang magpatuloy na mag-aral.

Geraldine, Cebuana sa Barcelona

Anim na taon siyang nagtrabaho sa Singapore bago makarating sa Europa. Dahil sa pag-a-abroad, natuto siyang tumayo sa sariling paa. Mayroon siyang dalawang kapatid na pinag-aaral sa kolehiyo at pinapatayong bahay sa Cebu. Pagdating ng panahon, plano niyang pumunta sa Espanya o kaya naman umuwi na sa Pilipinas. Sa ngayon, nais niyang mag-aral ng pagluluto sa isang culinary school sa Barcelona dahil gusto niyang magtayo ng restaurante sa Pilipinas balang araw.

Si Anthony

Apat na taong gulang pa lang si Anthony noong umalis ang tatay niya papuntang Espanya nasa grade five naman siya noong sumunod ang nanay niya. Si Anthony, 27, ay panganay sa tatlong magkakapatid. Mas naunang kinuha ng nanay niya ang bunsong kapatid dahil sa ito ay menor de edad. Pagkaraan ng mga taon, siya naman. “Masaya na ako sa Pilipinas. Nasanay na akong wala sila. Pumunta ka dito. May trabaho dito. Para magkasama-sama na tayo. Pumayag ako. Nakitira ako sa bahay ng nanay ko. Ang lengwahe, nangangapa ako. Nagtrabaho ako sa bahay. Pu@#$na! Pinag-aral ako, mop ang hawak ko! Eto ba ang buhay sa Espanyang pinapangako sa akin. Ang hirap-hirap. Parang hindi na kami magkakilala ng nanay at kapatid ko. Dumating sa puntong gusto kong umuwi. Para akong nasa kahon. Lalong nagkaproblema dahil sa hipag ko. Umalis ako sa poder nila. Oo, tumatanaw ako ng utang na loob. Pero hanggang sa kaya ko. Hindi sa lahat ng bagay ipapamukha sa akin. Halos walang pinagbago. Akala ko nakapiling ko na sila. Hindi pala.“

Naalala ninyo pa ba ang pelikulang “Napakasakit Kuya Eddie”? Eh yung “Anak”? Tungkol sa mga pamilya na ang mga magulang ay nangibang bansa upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Ngunit kung minsan ay nagiging dahilan

pa ito para masira ang kanilang pamilya. May iilang kinukuha ang mga anak at sama-samang namumuhay sa ibang bansa. Pero

ito ay depende sa bansang titirahan. Sa Espanya, dahil sa reagrupación familiar, pinahihintulutan ng gobyernong Espanyol na kunin ang mga

anak, asawa o magulang upang sila ay magkasama-sama. Sa bagong kapaligiran at kultura, higit sa lahat sa walang kaalaman sa lengwahe, nakabubuti ba ito sa pamilya, lalo na sa kabataan? O lalong naging sanhi ito ng ‘di pagkakaunawaan?

Si HaroldKinuha ni Aling Mely, 48, ang kanyang nag-

iisang anak na si Harold noong 14 taong gulang pa lang ito. Sa umpisa, nagustuhan ni Harold ang bagong kapaligiran. Pero dahil sa hirap sa lengwahe, hindi lumalabas ng bahay, nahihiya. “Gustong umuwi kasi wala daw kaibigan. Nasa trabaho kasi ako halos buong araw. Pero noong pinasok ko siya sa klase ng Espanyol at natuto, unti-unti na ring nagbago. Ayaw na niyang umuwi sa Pilipinas. Basta ang sabi ko sa kanya, gayahin niya ang magagandang asal ng mga Espanyol at huwag tularan ang masasama. Masaya ako kasi magkasama kami.” Dagdag ni Harold, “Naging challenge sa akin ang Espanyol. Pinag-aralan ko talaga. Pero siyempre merong mga tukso. Barkada. Lakwatsa. Pero depende na lang sa tao yun. Next year tapos na ako ng Turismo dito. Gusto kong magtrabaho sa isang empresa. May ambisyon ako para sa pamilya ko at sa aking sarili.”

Ang kapatid ni Lito

Naunang dumating dito si Lito, 32. Pagkatapos ng pitong taon, kinuha niya ang bunsong kapatid na babae. “Akala ko mas konti ang problema pag babae kesa lalaki. Malayo sa droga at barkada. Nagtrabaho kami sa iisang restaurant. Gusto ko siyang matutuo sa buhay. Palagi na lang, Kuya samahan mo ako sa medico, Kuya… Puro Kuya. Hindi siya natuto mag Espanyol. Tapos isang araw, Kuya may problema, buntis ako. May asawa ang lalaki, tinakbuhan siya. Umiyak na lang ako ng umiyak. Masakit. Ang laki ng tiwala ko sa kanya. May point na nagsisi ako. Hindi ko pala kilala ang kapatid ko. Matagal na panahong hindi kami nagkasama. Kung minsan natanong ko sa sarili ko bakit hindi na lang yung ibang kapatid kong lalaki ang tinulungan ko. Pero ngayon, okey na kami. Naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang ako kung protektahan siya. Ako ang nag-aalaga ng baby niya pag day off ko. Para sa akin walang tanawing utang na loob. Bukal sa loob ko na tulungan ko siya. Dahil gusto ko.”

Mabalik tayo sa dalawang pelikula, ano kaya kung pwede nilang kunin ang kanilang mga anak, magiging katulad din ba ang sasapitin nila sa sinapit ng ilan sa ating mga kababayan?

School Cost per Unit

Units in a Term

Terms in an AY

Estimated Tui-tion for the AY

U. of Asia and the Pacific 2,400.00 26 2 124,800.00De La Salle U. 2,045.33 18 3 110,447.82Ateneo de Manila U. 2,517.03 18 2 90,613.20 Assumption College 1,533.00 27,5 2 84,315.00 Mapua Institute of Technology 1,400,00 15 4 84,000.00 St. Scholastica’ s College 1,564.00 24 2 75,072.00 San Beda College 1,188.00 27 2 64,152.00 Miriam College 1,486.00 21 2 62,412.00 Philippine Women’ s U. 828.00 24 3 59,616.00 Far Eastern U. 1,100.00 25 2 55,000.00 Colegio de San Juan de Letran 970.00 26 2 50,440.00 U. of the East 1,040.00 23 2 47,840.00 U. of Santo Tomás 1,072.90 21 2 45,061.80 St. Paul College of Quezon City 922.00 24 2 44,256.00 AMA Computer U. 780.00 18 3 42,120.00 Lyceum of the Philippines 900.00 21 2 37,800.00 Trinity U. of Asia 870.00 21 2 36,540.00 U. of the Philippines 1,000.00 18 2 36,000.00 San Sebastian College 786.00 21 2 33,012.00 College of the Holy Spirit, Manila 903.91 18 2 32,540.76 Polytechnic U. of the Philippines 12.00 21 2 504.00

Kabayan, saan angpunta mo?Karamihan sa mga OFW ay nakatapos ng pag-aaral. Ayon sa isang pagsasaliksik, 1 sa 3 nangingibang bansa ay college graduates.

Tuition in Metro Manila Colleges and Universitys (2008)

At sa pag-alis, magiging katulad ba sila nina Nemz at Geraldine na sa kabila ng trabaho’t pagpapadala ng pera buwan-buwan ay patuloy pa ring binibigyang halaga ang pag-aaral at pag-aangat sa sarili? Ating asahan sana ang isang matamis na Oo.

Nemz, nag-World Youth Day sa Germany

Unang nakarating sa Europa noong 2005 sa World Youth Day sa Germany, nagustuhan niya ito kaya’t matapos ang dalawang taon, siya ay nag-apply bilang Au Pair sa Belgium. At ngayon ay nasa Barcelona na rin siya. Siya ay nagpapadala ng pera sa Pilipinas kung minsan ay dalawang beses sa isang buwan dahil sa gamot ng kaniyang nanay at para sa pag-aaral ng isang kapatid na may kapansanan. Kapag siya’y makaipon, nais niyang mag-aral muli – maaaring child o social psychology – dahil nais niyang makatulong sa mga nakikita niyang kabataang Pilipino sa Barcelona.

Ano kaya ang naghihintay sa ating mga anak, kapatid, at kamag-anak matapos natin silang pag-aralin? Nais din kaya nilang mangibang bansa tulad natin?

Silang Mga Naiwan at Huling Dumating…

ni Nathaniel Sisma Villaluna

AY: Academic Year

SOURCES: http://www.ibon.org/ibon_articles.php?id=84; http://www.ibon.org/ibon_events.php?page=&id=57 Singapore Management University: “Impact of Remittances on Schooling in the Philippines: Does relationship to the household head matter?”

Patuloy na pag-aaral, ngayon naman Español. Ang ‘Idioma’ ang isa sa mga pro-grama ng Centro Filipino upang tulungan silang matuto ng Castellano at Catalan.u

Magkano ang College sa Pilipinas?

Ang anak ni Aling Luz

Si Aling Luz, 42 penitisyon ang anak noong nakaraang taon. Labing anim lang si Lara. Noong bago pa lang dito, pumapasok sa eskwelahan. Pero di maglaon, nagkabarkada. Hindi na pumapasok. Palaging nasa barkada, diyan sa may basketbolan. Tambay. Hindi na umuuwi kung minsan. Uuwi sa umaga para lang matulog at magpalit ng damit. “Pinapunta ko siya dito kasi akala ko mas titino siya. Para magkasama-sama kami. Hindi pala. Umiiyak ako gabi-gabi. Masakit na ang katawan ko sa kakakudkod ng kubeta, tapos iisipin ko pa kung nasaan siya. Minsan, nakita kong may droga. Parang sinaksak ang puso ko. Ginagaya na niya ang asal ng mga barkada niyang dito na ipinanganak na ugaling Espanyol na din. Yung sumasagot sa magulang, sumisigaw. Pag nanamit halos kita na ang kaluluwa. Minsan nagsisisi din. Ganito pala ang magiging kahinatnan ng pagpunta niya dito.”

Page 5: ASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES · PDF fileASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES EN ESPAÑA. Nº 8 NOVIEMBRE 2011 Mangarap LIBRE Tayong. Ayon sa Remesas.org,

lll

Nagpakitang-gilas ang pambato ng Pilipinas sa katatapos na Ms. Universe sa Sao Paolo, Brazil. Nakamit ni Shamcey Supsup ang third-runner up. Ang magna cum laude graduate at architecture board topnotcher ay topnotcher rin sa mga online polls.

Sa panig naman ng mga hurado ng nasabing beauty contest, napabilang ang p r e m y a d o n g aktres na si Lea Salonga.

Shamcey nagpakitang- gilas sa Ms. Universe

En los años 60 del pasado siglo, unos dos millones de españoles emigraron a otros países para trabajar y poder sostener a sus familias, empleándose fundamentalmente en fábricas, restaurantes, sector de la construcción y como emplead@s de hogar. ¿Les suena de algo? Sí, exactamente en los mismos sectores que la mayoría de los inmigrantes que han llegado a España en los últimos años, y probablemente impulsados por los mismos motivos.

Desde hace algunos años, dado que España parece ser un país donde estudiar es muy poco rentable, los jóvenes diplomados, licenciados o ingenieros se marchan a otros países donde son más valorados, mejor pagados y pueden realizar carreras ascendentes a largo plazo. Además, debido a los efectos de la crisis (la tasa de paro juvenil supera el 40% del total de la población activa), el número de españoles viviendo en el extranjero ha crecido un 20% en los últimos tres años. Volvemos pues a ser un país de emigrantes.

Sin embargo la diferencia con los años 60 es obvia. Los emigrantes españoles de ahora son en su mayoría profesionales altamente cualificados y sus destinos se han diversificado. Aparte el tradicional destino de Europa, cada vez más son los españoles que se marchan a trabajar a Estados Unidos, Latinoamérica o Asia.

No obstante, quizá la clave que nos permita entender este fenómeno, está en otra característica novedosa. A diferencia que sus abuelos, muchos españoles que emigran en la actualidad no piensan en regresar a España posteriormente, pues aparte desarrollar su

profesión, se casan o emparejan y tienen hijos en los países de acogida. No ven el hecho de trasladarse a vivir a otro país como algo pasajero o negativo, sino como una oportunidad interesante para el crecimiento profesional y personal.

Es este fenómeno el que nos lleva quizá a preguntarnos si los conceptos de emigración/inmigración tienen

aún sentido. Quizá en esta época, debería hablarse simplemente de traslado. A través de las necesidades laborales, las fronteras se van desdibujando y conformando un nuevo mundo. Al igual que las empresas, que traspasan las fronteras en su expansión

internacional, los ciudadanos se van transformando en trabajadores o

empleados planetarios.

Este traslado por necesidades de desarrollo profesional, que conlleva también una oportunidad para una vida más completa en lo

personal, probablemente terminará por normalizar el binomio emigración/inmigración como un hecho de nuestro tiempo que poco a poco

modificará los conceptos tradicionales de fronteras, país, nacionalidad, etc., llevándonos (por fin) a la tribu global.

Es en ese sentido como debemos entender la nueva generación

de emigrantes españoles. Empujados o no por la crisis, no dejan de ser pioneros de una sociedad nueva. 98

KULTURA AT LIPUNAN

también

otros nos

El número de españoles viviendo en el extranjero ha crecido un 20% en los últimos tres años. Volvemos pues a ser un país de emigrantes.

emigramos

MAGANDANG BALITA

Ang pinakamainam na lugar sa Asya para sa mga kababaihan ay sa Pilipinas. Top 17 ang Pilipinas sa “The Best and Worst Places for Women” ng Newsweek magazine. Ito lamang ang nag-iisang bansa galing sa Asya na napasama sa top 20.

Sinuri ng nasabing ulat ang sitwasyon ng mga kababaihan sa 165 na bansa at ibinatay

ang ranking sa limang pamantayan—pagtatrato sa mga kababaihan alinsunod sa batas, kapangyarihang pulitiko, partisipasyon sa lakas paggawa, akseso sa kalusugan at edukasyon.

Pinangunahan ng Iceland ang ranking at ang ‘worst place’ naman ay ang bansang Chad sa Africa.

Ayon sa Immigration Ordinance, hindi maaaring maging ‘ordinary residents’ ang mga domestic helpers kahit pa manirahan sila roon ng mahigit sa pitong taon.

Kamakailanlang ay naglabas ng desisyon ang Court of First Instance na pumapanig sa Filipina. Ayon pa sa sa Korte, salungat ito sa nakasaad sa Basic Law o konstitusyon ng Hong Kong na nagbibigay ng permanent residency sa mga nakatira sa Hong Kong ng higit sa 7 taon at pinili ang nasabing siyudad bilang permanenteng tirahan. Hindi bababa sa 20 taon nang naninirahan at nagtatrabaho ang mga Pinoy na nanghihingi ng judicial review.

Ang desisyong ito ay nakatanggap ng malawakang pagtutol ang sa iba’t ibang sektor sa Hong Kong. Bigla raw dadami ang populasyon ng Hong Kong at

maapektuhan nito ang mga serbisyo ng gobyerno.

Halos 125 000 domestic helpers ang maaaring maging permanenteng residente. At kapag naging permanent resident sila, maaari na silang maghanap ng ibang trabaho. Ito ay nagsisilbing banta ayon sa ilang pulitiko dahil karamihan sa mga DH ay college graduates at mas magaling mag-Ingles.Ngunit hindi lahat ng mga taga-

Hong Kong ay tumututol. Isa na rito si Fish Ip Pui-yu, organising secretary ng Hong Kong Federation of Asian Domestic Workers Unions: “It is just not fair that any other foreigner can become a permanent resident after seven years while

foreign domestic helpers cannot. It is discrimination of migrant workers and women, since most of them are women.”

DH hinamon ang batas sa Hong Kong, nanalo!

Umuwing masaya, mangha at may pagmamalaki ang mga nanood ng konsiyerto ng The University of Santo Tomas Singers noong ika-27 ng Setyembre sa Iglesia de San Agustin sa Barcelona.

Ang konsiyertong ito ay bahagi ng kanilang World Tour na naglalayong ipakita ang galing at talento ng mga Filipino sa Germany, Latvia, Sweden, Norway, Finland, Belgium at South Korea. Humakot ng 77 premyo ang The UST Singers sa iba’t ibang patimpalak sa buong mundo.

Ang konsiyerto ay inorganisa ng Konsulado ng Pilipinas sa Barcelona sa pamumuno ng bagong Konsul na si Konsul Heneral Catalino Dilem Jr. at sa pakikipagtulungan ng mga organisasyon ng mga Filipino sa Barcelona.

The UST Singers pinahanga ang mga taga-Barcelona

Mainam na lugar para sa mga babae sa Asya-Pilipinas

Por Francisco Javier Gutiérrez Rodríguez

Si Evangeline Vallejos ay isa sa sa mga Filipina domestic helpers na kumwestyon sa batas sa Hong Kong na nagbabawal na bigyan sila ng permanent residence.

Day off. Nagtitipun-tipon tuwing Linggo ang mga DH sa tabi ng isang gusali sa Hong Kong.

Page 6: ASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES · PDF fileASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES EN ESPAÑA. Nº 8 NOVIEMBRE 2011 Mangarap LIBRE Tayong. Ayon sa Remesas.org,

10 11

Tulad ng mga Bayani

KULTURA AT LIPUNAN

The City Government of Barcelona, re-presented by Vice Mayor Ignasi Cardelús i Fontdevilla has dedicated the first three of the eleven rooms to Dr. José Rizal and two other illustrious historical figures of Catalonia–Francesc Ferrer i Guàrdia and Lluis Companys.

Rizal, Ferrer i Guàrdia and Companys were imprisoned in Montjuïc Castle and execu-ted by firing squad for defending their prin-ciples and their fight for freedom.

“They committed the crime of being free thinkers,” noted Oriol Illa, the Vice Chairman of the Fundació Francesc Fe-rrer i Guàrdia.

Already restored and reformed, these rooms which served as the prison cells of these three heroes and other prisoners sentenced to death will be used by the city’s International Resources Center for Peace for its future courses and peace-related activities.

José Rizal’s room is Sala 17. A plaque bears his portrait, a sample page of El Filibusterismo and the cover of the newspaper La Solidaridad dated 1889.

It was to be remembered that on September 2, 1896, a week after the outbreak of the Phili-ppine Revolution, José Rizal left Manila for Spain. He was to go to Spain first before going to Cuba as a volunteer doctor. But even before he could reach his destination, he was arrested by the Spanish authorities on board, jailed in Montjüic Castle in Barcelona and shipped back to Manila where he spent the last three months of his life in Fort Santiago.

Incidentally, it was here in Barcelona where Rizal wrote his first literary work in Spain, titled “El Amor Patrio” (Love of Country) which appeared in Manila’s daily “Diariong Tagalog“, under the pseudonym, “Laong Laan”.

Sala 17 will join several historical land-marks that the Catalonian government has dedicated to José Rizal. Last year, a plaque was also unveiled in Plaza de Buensuceso commemorating the place where Rizal and his

friends used to meet for the La Solidari-dad group and publication.

The Castell de Montjüic is now one of the most popular Barcelona tourist at-tractions visited by hundreds of tourists everyday.

“We Filipinos should be very proud of José Rizal“ said Rizal’s great great grand nephew, Harold Langer Sy-Quia.

He was with his mom, the great great grand niece of our national hero, Noelle Sy-Quia who also graced the inaugura-

tion ceremony brimming with pri-de and joy.

“We are very pleased about it. We have been waiting for this and now it is happening in time for his 150th birthday. This is a great satisfaction to the family.” She declared at the end of the event.

Also present were former Consul General to Barcelona Ambassador Eduardo José de Vega and Filipino community leaders Fr. Avelino Sapida , president of Kalipi (Kapu-lungan ng mga Lider Pinoy sa Bar-celona), Sr. Paulita Astillero, Di-rector of Centro Filipino, among others.

By Nathaniel Sisma Villaluna, Photos by AC Molera

From a Prison Cell

to a

ROOM FOR PEACE

“It all started with José Rizal. He is a symbol of freedom. His ideas, his fight for democracy led us to be the First Democratic Republic in Asia.” This was how Philippine Ambassador to Spain, Carlos C. Salinas described our natio-nal hero during the inauguration of the three rooms on the parade ground of the historical Castell de Montjüic in Barcelona, Spain last April 8, 2011.

The city of

Barcelona

dedicates to

Rizal one of the

eleven rooms of the

Montjuïc Castle,

where he was

jaiked before his

death. 8 Zesto, o

Anong mabibili ng 1 euro sa Pilipinas?

1/2 kilong Tocino o

8 biyahe sa tricycle .

118 na fish balls, o

7 lapis na Mongol , o

A plaque, which can be found in Castell de Montjüic, Barcelona, Spain, bears José Rizal’s portrait, a sample page of El Fili-busterismo and the cover of the newspa-per La Solidaridad, ed 1889.

Noelle Sy-Quia, great great grand niece of Dr.

Rizal and her son Harold Langer Sy-Quia.

Isa na rito ang Presidenta ng Centro Fili-pino na Sr. Paulita Astillero kasama ang iba pang babaeng boluntaryo at kaibigan ng Centro Filipino na nagsayaw at nag-lipsynch ng Sister Act.

Hindi rin nagpahuli ang founder at di-rector ng Centro Filipino na si Fr. Aveli-no Sapida sa kanyang galing sa pagtug-tog ng saxophone.

Nagpamalas din ng galing ang iba’t ibang talentong Pinoy ng Barcelona sa kanilang pag-awit at pagsayaw kabilang na ang sikat na Operación Triunfo contestant na si Alexandra.

Ang konsiyertong ito ay bahagi ng pag-diriwang ng ika-25 anibersaryo ng Centro Filipino at isang paraan din upang maka-likom ng pondo para sa proyektong Co-desarrollo. Naglalayon ang Centro Filipino na magtayo ng isang lugar na magsisilbing tahanan para sa mga taong matagal ng nagtrabaho sa ibang bansa at nagpasyang umuwi na sa Pilipinas. Nilalayon din ni-tong magbahagi ng kaalaman at trabaho sa mga mahihirap sa Pilipinas.

Fr. Avel, nag-saxophone, Sr. Pau, nag-Whoopi Goldberg!

Inilabas ng mga boluntaryo ng Centro Filipino ang kanilang mga itinatagong talento sa katatapos na Concert for a Cause: Tinig ng Kinabukasan noong ika-15 ng Oktubre sa Conservatori de Liceu sa Barcelona.

3 Y 4

NOV

DON’T U MISS IT!

ISANG PAANYAYA

Page 7: ASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES · PDF fileASOCIACIÓN FILIPINA DE ESCRITORES E INVESTIGADORES EN ESPAÑA. Nº 8 NOVIEMBRE 2011 Mangarap LIBRE Tayong. Ayon sa Remesas.org,

El programa incluyó obras de conocidos compositores filipinos, como Villar, Zubiri, Cayabyab, Canseco, Buencamino, Umali, Suarez, Cornejo, Cruz, Tan y de Guzman, y estuvo interpretado por la voz del tenor Bernard Milan acompañado por el pianista Ferdinand Bambico.

El público asistente se distribuyó en los bancos reorientados hacia la nave lateral, frente a unos lienzos blancos que colgaban de lo alto. A oscuras, una voz (Maritess Saulog) nos introduce en la pieza a interpretar, mientras sobre uno de los lienzos se proyecta un fragmento fílmico en blanco y negro. Al encenderse los focos, simulando la luz de la luna, voz y piano comienzan su recital, ambos vistiendo el barong, la prenda tradicional masculina.

Mientras la voz del galán llena el espacio, sobre una balaustrada aparece la amada (encarnada a la perfección por Venus Castillo), vistiendo un tradicional terno rojo brillante y luciendo un peinado también al estilo tradicional. Abriendo su abanico, escucha con reservada coquetería mientras deja que el auditorio contemple su radiante belleza.

El galán va desgranando las canciones hasta que al final la joven, complacida, desciende. Por sorpresa aparece entre los bancos del público y se dirige lentamente, como haciéndolo dudar, hasta el galán, manifestando finalmente su agrado y el feliz resultado del cortejo.

Bernard Milan encarnó con bravura y entrega al galán de cada una de las piezas, a las que prestó la belleza de su timbre, con algunas notas resolutivas largas e impactantes que inflamaron al público.

Fue acompañado con exactitud, brillantez y gran lirismo por Ferdinand Bambico, que realizó en solitario una acertadísima y contrastada versión de Ang Larawan.

Destacamos también las intervenciones de la joven pianista Marina Gomez Nagales y el violinista Eugeniu Casimov.

La velada culminó con las conocidas y emotivas Maalaala Mo Kaya (Constancio de Guzman) y Gaano Ikaw Kamahal (E. Cuenco), que arrancaron los aplausos emocionados del público asistente.

Este evento no hubiera sido posible sin vuestro apoyo. Muchas gracias por vuestro tiempo, esfuerzo y apreciación. ¡Hasta otra! Más fotos en angbagongfilipino.wordpress.com

Agradecimiento

Durante la pasada noche del 14 de mayo, la nave de la iglesia de San Agustin (Parroquia Personal Filipina) se transformó, gracias a una sencilla y efectiva escenografía a cargo de Kay Abaño, Louie Simbe y Noel Villamor, en un espacio para la magia de la música de cortejo tradicional filipina, la Harana.

Por F. Javier GutiérrezFotos por AC Molera y Arvin Pagas