ang balangkas ng upd covid-19 task force
Post on 02-Dec-2021
20 Views
Preview:
TRANSCRIPT
48 UPDATE DILIMAN • Volume 3, Numbers 1-4 • 2020
Ang Balangkas ngUPD COVID-19 Task Force
Bawagan introduces Silungang Molave (SiM)
49
Simula Nobyembre 2019, naging laman ng mga balita’t pahayagan ang noo’y bagong virus na pinangalanang n-COVID-19.
Kagaya ng SARS, H1N1 at MERS,
ang bagong virus ay umaatake sa
sistemang respiratoryo ng tao. Ayon
sa mga eksperto sa kalusugan, ang
n-COVID-19 ay higit na mapanganib
kung ihahambing sa mga virus na nauna nang kumalat
sa buong mundo, simula pa ng ikalawang milenyo.
Pagpasok ng taong 2020, nagsimula ang paglaganap
ng naturang virus sa iba’t ibang bahagi ng daigdig at
nakapasok na nga sa bansa noong Pebrero 2020.
Kakaluklok pa lamang ni Prop. Fidel R. Nemenzo,
DSc bilang Tsanselor ng UP Diliman (UPD) nang
ipatupad ng pambansang pamahalaan ang lockdown
o community quarantine sa buong Luzon. Dahil dito,
kinailangan niyang bumuo ng isang komite upang
pangasiwaan ang pagmamatyag sa posibleng pagpasok
ng virus sa komunidad ng UPD, na binubuo ng mga
kaguruan, mag-aaral, kawani, REPS, maging ng mga
residente ng Barangay UP Campus.
50 UPDATE DILIMAN • Volume 3, Numbers 1-4 • 2020
Bagama’t WFH, nagpatuloy ang pagpasok ng
skeleton workforce ng mga esensiyal na yunit
na may istriktong protokol upang maiwasan ang
transmisyon ng virus. Maliban sa UPHS, nagpatuloy
ang serbisyo ng Opisina ng Seguridad at Kaligtasan
ng Publiko, Opisina ng Pangangalaga ng Kampus, at
ang Pulisya ng UPD upang mapanatili ang kaayusan,
kalinisan at seguridad; Serbisyong Pampagkain ng
Unibersidad at Opisina ng Pabahay para sa Mag-aaral
upang umagapay sa mga stranded na mag-aaral; ang
Opisina ng Impormasyon ng UPD para sa agarang
pagpapalaganap ng impormasyon sa stakeholder ng
UPD; at Opisina ng Akawnting, Opisina ng Badyet, at
Opisina ng Pananalapi ng Diliman para sa tuluy-tuloy
na pagpapasahod sa mga empleyado ng Unibersidad.
Bahagi pa rin sa aspetong Kalusugan, Kaligtasan
at Seguridad ang mabusising pamamahala sa mga
miyembro ng komunidad ng UPD na nakararanas
ng sintomas o nagpositibo sa COVID-19. Binuo ang
Espesyal na Komite para sa Pamamahala ng Kalusugan
na naatasang magpalaganap ng impormasyon hinggil
sa COVID-19 sa mga residente ng kampus. Ito rin ang
tumulong sa lokal na pamahalaan sa pagtunton sa mga
nakahalubilo ng mga nagpositibo sa COVID-19.
Sa pakikipagtulungan ng Philippine General Hospital
at Philippine Genome Center, itinatag ang Kanlungang
Palma at Silungang Molave, mga isolation facility para
sa mga kinailangang sumailalim sa quarantine. Dito rin
isinasagawa ang COVID-19 testing para sa komunidad.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang serbisyo ng Silungang
Molave na tumanggap na rin ng mga taga-karatig-
barangay na kailangang mag-quarantine.
Bukod sa isolation facility, nagdaraos din ang
Unibersidad ng mga gawain ukol sa pagsugpo sa
paglaganap ng COVID-19 gaya ng RT-PCR testing
IN FOCUSNINA Sir Anril P. Tiatco AT Jem R. Javier(HANGO SA JUAN JR AT ROSARIO HALILI-QUINTOS PROFESSORIAL CHAIR NI PROP. ADELINE PACIA)
Mahalaga ang pagkakatatag ng komite, na sa
kalauna’y tinawag na UP Diliman COVID-19 Task Force
(UPD CTF) dahil malawak ang kailangang bigyang-
pansin ng administrasyon hinggil sa pandaigdigang
krisis sa kalusugan dulot ng COVID-19. Maliban
dito, may mga tungkuling kailangan ding gampanan
ang UPD bilang bahagi ng natatanging pambansang
unibersidad ng bansa: ang maging pangunahing
akademikong institusyon na nangunguna sa larang
ng pananaliksik, pagtuturo, malikhaing gawain, at
ekstensiyon o serbisyo publiko.
Dahil sa hamon ng pandemya at ang mandato ng
Unibersidad, nabuo ang Balangkas ng Pagtugon ng
UPD sa pandemyang COVID-19. Ito ay binubuo ng apat
na pangunahing aspeto: (1) Kalusugan, Kaligtasan, at
Seguridad; (2) Usaping Akademiko; (3) Pagpapatuloy
ng Serbisyo ng UPD; at (4) Epektibong Komunikasyon.
Ang unang aspeto ay binabantayan ang pagpapanatili
ng pisikal at mental na kalusugan ng mga kasapi ng
komunidad UPD. Ito rin ay may adhikaing makontrol
ang transmisyon ng virus. Bago pa man ang Luzon-wide
lockdown noong ikatlong linggo ng Marso, naglabas
na ng mga protokol at gabay ang Opisina ng Tsanselor
upang mapanatiling ligtas ang mga stakeholder ng UPD.
Kaagad sinuspinde ang mga klase at trabaho maliban
lamang sa mga esensiyal na tanggapan. Noong una,
pinayagang pumasok ang skeleton workforce ngunit
kinalauna’y idineklara ang estadong work-from-home
(WFH) sa buong UPD. Kaalinsabay nito, pinalakas
ang presensiya ng PsycServ at iba pang serbisyong
pangkalusugan na nagpatuloy ang operasyon sa
pamamagitan ng transaksiyong online. Samantala,
nanatiling bukas ang UP Health Service (UPHS) na
siyang naging kanlungan ng komunidad sa tuwing
makaranas ng sintomas na kaugnay ng COVID-19.
From left to right: An isolation room in SiM;Practicing physical distancing and other protocols
51
at aktibong contact tracing sa mga stakeholder at
naninirahan sa kampus.
Ang ikalawang aspeto ay ang pagbibigay ng
holistikong suporta sa mga akademikong usapin. Bilang
pambansang unibersidad, tungkulin ng UP ang maging
modelo sa patuloy na pag-aaral, pananaliksik, at iba
pang akademikong gawain sa kabila ng panganib na
dulot ng pandemya. Sa pakikipagtulungan ng Opisina
ng Bise Presidente para sa mga Gawaing Akademiko
ng Sistemang Unibersidad ng Pilipinas at ng Opisina
ng Bise Tsanselor para sa mga Gawaing Akademiko,
ipinatupad ang remote learning setup para sa Unang
Semestre ng Akademikong Taong 2020-2021.
Bahagi nito ang pagbibigay-suporta sa mga guro
at mag-aaral ukol sa multi-modal na pamamaraan
ng pagtuturo at pagkatuto. Pinaigting ng UPD ang
mga Learning Management System nito lalo na ang
University Virtual Learning Environment o UVLÊ na
siyang modelo ng kasalukuyang virtual classroom ng
UP Open University. Walang humpay din sa pagbibigay
ng webinar series, at online symposium at workshop sa
mga guro at mag-aaral, na naging daan upang maging
maayos at makabuluhan ang pagbuo ng mga course
pack at module para sa mga klase.
Sa tulong na rin ng alumni, napaigting ng Unibersidad
ang Student Learning Assistance System, na sa
pamamagitan nito ay nakapamahagi ng mga kompyuter
at gadget sa mga pinakanangangailangang mag-aaral.
Pinalakas ang PsycServ upang makaagapay sa
pagpapabuti ng kalusugang mental ng mga guro, mag-
aaral at kawani ng UPD. Nag-organisa ng mga peer
learning group at iba pang volunteer group. Itinaguyod
din ang Programa para sa Kalusugang Mental at
Kagalingan ng Mag-aaral at ang Student Help Desk upang
mapagbuti ang katatagang emosyonal ng mga estudyante.
Ang ikatlong aspeto ay ukol sa pagtiyak ng sapat at
tuluy-tuloy na daloy ng mga serbisyo ng UPD. Nang
ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine
(ECQ), ang mga esensiyal na serbisyo lamang ang
pinayagang makapasok sa mga tanggapan. Inatasan ang
bawat yunit na tukuyin ang kanilang mga serbisyong
esensiyal at ang mga kawaning gumaganap nito ang
siya lamang pahihintulutang pumasok sa opisina,
samantalang ang iba pang mga kawani ay kinailangang
mag-work-from-home.
Karamihan sa mga serbisyong esensiyal ay mula
sa sektor ng kalusugan, suplay ng pagkain para sa
mga stranded na estudyante at empleyado, lakas-tao,
pananalapi, pamimili ng mga suplay at serbisyo, at
pangangasiwa sa kalinisan at seguridad.
Habang ipinatutupad ang ECQ mula Marso 17
hanggang Abril 30 at Modified ECQ noong buwan
ng Mayo, ang mga serbisyong esensiyal lamang ang
pinayagang pumasok sa opisina. Nang ipatupad ang
General Community Quarantine o GCQ noong Hunyo,
unti-unting dumami ang mga gawain sa Unibersidad
dulot na rin sa pagtaas ng bilang ng transaksiyon,
partikular sa lakas-tao at pananalapi. Gayunman,
ipinatupad pa rin ang WFH arrangement sa karamihan
sa mga empleyado at limitadong bilang ng araw na may
kawani sa mga tanggapan. Kasabay nito, ang pagtaas ng
transmisyon ng COVID-19 sa komunidad ay nagdulot
ng pansamantalang pagsasara ng ilang opisina upang
makapagsagawa ng disinfection.
Ang mga kasalukuyang sistema at proseso ay hindi
dinisenyo upang madaling makalipat sa digital na
pamamaraan ng paggawa. Kinailangang siyasatin ang
mga gawain at serbisyo ng mga yunit at rebisahin kung
kinakailangan upang mailangkap ang elektronikong
transaksiyon nang sa gayon ay mapadali ang
pagpoproseso at pangangalaga sa mga ito.
Hangga’t hindi lubusang napauunlad ang mga
sistema at imprastraktura, kakailanganin ang
karagdagang lakas-tao upang matugunan ang iba’t
ibang pangangailangan ng opisina.
Upang matiyak na maayos na nagagampanan ng mga
kawani ang mga gawain, kinakailangan ang suportang
pinansiyal at lohistiko. Binigyan ng insentibo ang mga
kinailangang pumasok sa opisina sa panahon ng ECQ
at Modified ECQ dahil na rin sa panganib na dulot ng
COVID-19. Ang mga health care worker na tuwirang
humaharap sa pandemya ay nakatanggap ng Special
Risk Allowance na inaprubahan ng pamahalaan sa
pamamagitan ng Bayanihan Act.
52 UPDATE DILIMAN • Volume 3, Numbers 1-4 • 2020
Naghanda ng mga shuttle service at pansamantalang
matutuluyan sa mga dormitoryo para sa mga nakatira
sa labas ng kampus o malayo sa UPD.
Dahil sa mga karagdagang pangangailangan para
sa remote learning at mga online na transaksiyon,
labis na kinailangan ang serbisyong may kinalaman
sa procurement at pondo. Bilang institusyong
pampamahalaan, ang UPD ay saklaw pa rin ng mga batas at
proseso ng procurement. Nalimitahan din ang operasyon
ng mga supplier dahil sa community quarantine.
Ang pasahod sa mga empleyado, supplier at
contractor ay kinailangang gawin sa pamamagitan ng
pagdedeposito sa mga bangkong panggobyerno gaya
ng Land Bank of the Philippines, Development Bank
of the Philippines at Veterans Bank, na pawang may
limitadong oras din ng operasyon. Ito ay upang maging
minimal ang pag-isyu at pangongolekta ng mga tseke
at malimitahan ang mga taong pumupunta sa Opisina
ng Pananalapi. Gayunpaman, patuloy na naghahanap
ng makabagong pamamaraan ng pagbabangko at
transaksiyong pinansiyal ang UPD upang lalong
mapainam ang serbisyo sa mga stakeholder nito.
Ang ikaapat na aspeto ay ang mabisang
komunikasyon. Nang simulang ipatupad ang ECQ
noong Marso, maraming Information, Education and
Communication o IEC material ang nabuo, gaya ng
#TatagUP na slogan ng pagtugon ng UPD sa hamon
ng pandemyang COVID-19, abiso tungkol sa mga kaso
ng COVID-19 sa komunidad ng UPD, mensahe mula
sa Tsanselor, bagong programang pagsasanay mula sa
Opisina ng Pagpapaunlad ng Lakas-Tao, at module mula
sa Coursera na maaaring i-subscribe ng mga estudyante.
Ang mga opisyal na anunsiyo ay inihahanda ng Opisina
ng Impormasyon ng UPD (UPDIO).
Naipalalaganap din ng UPDIO sa publiko ang mga
gabay gaya ng protokol pangkalusugan, usaping
akademiko, paggamit ng dormitoryo, pagsusumite ng
mga dokumento ukol sa lakas-tao at transaksiyong
pinansiyal, at iba pa. Patuloy ding ina-update ang mga
gabay tuwing may bagong impormasyon o kailangang
rebisahin ayon sa feedback mula sa komunidad.
Regular na naglalabas ng ulat ng mga inisyatiba
ng mga yunit ng UPD sa iba’t ibang platform gaya
ng website, official social media account, email at
text upang mapag-ugnay-ugnay ang mga proyekto at
potensiyal na beneficiary ng mga ito. Bumuo rin ng
espesyal na portal na tinawag na #TatagUP sa website
upang doon ilagak ang lahat ng impormasyong may
kinalaman sa COVID-19 na makatutulong sa mga
stakeholder ng UPD. Nagsisilbi ring coordinating unit
ang UPDIO para sa pagpapasa ng impormasyon at
tanong sa mga angkop na tanggapan. Pinagyaman ang
Infoblast upang makapagpadala ng mga mahalagang
anunsiyo sa pamamagitan ng text sa mga guro, kawani,
REPS, estudyante at administrador ng UPD.
Ang Balangkas ay namumukod-tangi sapagkat gumagamit
ito ng holistiko, multi- at interdisiplinaryong lapit.
Nilalayon nitong supilin ang negatibong epekto
ng COVID-19 sa sosyo-ekonomikong aspeto ng
komunidad ng UPD sa pamamagitan ng pagtitiyak na
nananatili ang kalusugan at kaligtasan ng lahat, sapat at
tuluy-tuloy ang serbisyo, at may suporta sa akademiko
at pampananaliksik na gawain sa Unibersidad sa
pamamagitan ng mabisang komunikasyon.
Pawang bago ang mga aktibidad na isinagawa at
nakatutugon sa pambihirang sitwasyong dulot ng
pandemya sa komunidad ng UP Diliman.
Sa pamamagitan ng Balangkas, partikular ang
pagtataguyod ng kagalingang panlahat at pag-iwas sa
transmisyon at maayos na pangangasiwa ng suspect
at kumpirmadong kaso ng COVID-19, natiyak ang
kalusugan at kaligtasan ng nakararami.
Bagaman maayos na nagagampanan ng UPD ang mga
gawain nito kahit may pandemya, nagagawa pa ring
tiyaking mabigyang-suporta ang mga empleyado. Bahagi
UPD officials touring SiM
53
ng Balangkas ang sapat na lakas-tao para sa mga serbisyong
esensiyal, suportang pinansiyal at lohistikal, at pagrerebisa
ng mga gawain mula pisikal patungong birtuwal.
Bahagi ng tagumpay sa implementasyon ng
Balangkas ay maiuugat sa pamalagiang pakikipag-
ugnayan ng administrasyon ng UPD sa lokal na
pamahalaan ng Barangay UP Campus. Nagpapatuloy
din ang pagbibigay ng testing sa publiko, tapat na
pagtalima sa mga protokol pangkalusugan sa lahat
ng bahagi ng kampus, at regular na pagbibigay-
impormasyon ukol sa COVID-19 at kung paano
matiwasay na maipagpapatuloy ang buhay at
pamumuhay sa gitna ng pandemya.
Paglipas ng pandemya, isasagawa ng UPD ang isang
komprehensibong risk assessment ng mga naging
gawain nito at ipatutupad ang mga pagbabago kung
kinakailangan. Dagdag pa rito, isasagawa rin ang
mga hakbang upang mapaigi ang mga estratehiya sa
pagtugon sa mga disaster.
Dahil dito, inilalatag ang mga sumusunod na plano:
(1) Public Health Database o DB at Information
System (InfoSys) na may sariling contact tracing app;
(2) pagpapalakas sa Primary Care Program (PCP); (3)
pagbuo ng computerized na sistema at imprastraktura
upang bigyang-suporta ang remote learning at digital
na pagtatrabaho; at (4) pakikipag-ugnayan sa iba pang
ahensiya ng gobyerno upang mapag-inam ang kanilang
mga polisiya at pamamaraan ng paggawa sa panahon
ng pandemya na hindi nakokompromiso ang seguridad
at integridad ng datos at mga transaksiyon.
Gagamitin ng UPD ang kabihasaan ng kaguruan
at mga mananaliksik nito upang magsagawa ng
interdisiplinaryong pananaliksik tungo sa pagbuo
ng Public Health DB at InfoSys na may sariling
contact tracing app na magagamit sa mga panganib
pangkalusugan sa hinaharap.
Sa pagpapalakas ng PCP, kakailanganin ng UPD ang
mas maraming doktor at nars para sa UPHS. Palalawigin
din ang pasilidad ng UPHS ukol sa bilang ng pasyenteng
maaaring tanggapin, laboratoryo, at iba pang serbisyo.
Samantala, maglalaan ng pondo ang Unibersidad
upang mapaunlad ang computerized system at
imprastraktura upang mabigyang-suporta ang remote
learning at digital napagtatrabaho at transaksiyon.
Bagaman malimit nang ginagawa ito bago pa ang
pandemya, patuloy at laging makikipag-ugnayan ang
UPD sa mga ahensiya ng gobyerno upang matupad
ang pangakong ibahagi ang kaalaman at pananaliksik
nang sa gayon ay mapagbuti pa ang pamamaraan
ng pagtugon sa anumang kalamidad at disaster na
kakaharapin ng bansa.
Sa kasalukuyan, ang UPD CTF ay binubuo nina
Chancellor Fidel R. Nemenzo (Tagapangulo), Bise
Tsanselor para sa mga Gawaing Akademiko Tess
Payongayong, Bise Tsanselor para sa Administrasyon
Adeline Pacia, Bise Tsanselor para sa Pananaliksik
at Pagpapaunlad Gonzalo Campoamor II, Bise
Tsanselor para sa mga Gawaing Pangmag-aaral Louise
Jashil Sonido, Bise Tsanselor para sa mga Gawaing
Pangkomunidad Aleli Bawagan, Bise Tsanselor para
sa Pagpaplano at Pagpapaunlad Raquel Florendo, Dr.
Jesusa Catabui, Direktor ng UPHS, Dr. Aliza Pangaibat
ng UPHS Public Health Unit, Asst. Vice President
for Academic Affairs Evangeline Amor, Direktor Sir
Anril Tiatco ng UPDIO, Dekano Giovanni Tapang ng
Kolehiyo ng Agham, Direktor Laura David ng The
Marine Science Institute, Atty. Jay Batungbacal ng
Kolehiyo ng Batas, G. Jacob Olinguar ng UP CRS Team,
Direktor Mahar Lagmay ng UP Resilience Institute,
Prop. Jem Javier ng Departamento ng Lingwistiks, Dr.
Marc Ayes ng Philippine Genome Center, Atty. Regine
Estillore ng UPD Data Privacy Office at si Prop. Dulce
Natividad ng Sentrong Asyano. Si Natividad din ang
tumatayong Tagapangulo ng Special Committee para
sa Public Health ng Task Force.
top related