10...1 filipino ikaapat na markahan – modyul 5 el filibusterismo : kabanata 11-18 10 republic of...

16
1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 28-Aug-2021

124 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

1

Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5

El Filibusterismo : Kabanata 11-18

10

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cherrie Mae R. Lao , Ritchel G. Bicoy

Editor:

Tagasuri: Jill B. Lubguban

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat:

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD

EPS – Filipinp

Page 3: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

3

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG

SARILING SAGUTANG PAPEL

Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang

pag-unawa at pagpapahalaga sa

nobelang El Filibusterismo bilang

isang obra maestrang pampanitikan

Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng

makabuluhang photo/video documentary

na magmumungkahi ng solusyon sa isang

suliraning panlipunan sa kasalukuyan

Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Natatalakay ang mga kaisipang ito:

- kabuluhan ng edukasyon

- pamamalakad sa pamahalaan

- pagmamahal sa: Diyos, bayan, pamilya, kapwa-tao

- kabayanihan -karuwagan

- paggamit ng kapangyarihan

- kapangyarihan ng salapi

- kalupitan at pagsasamantala sa kapwa

- kahirapan - karapantang-pantao

- paglilibang - kawanggawa

- paninindigan sa sariling prinsipyo (F10PB-IVd-e-89)

• Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang kaugnay ng:

- karanasang pansarili - gawaing pangkominidad

- isyung pambansa - pangyayaring pandaigdig (F10PN-IVf-90)

• Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng

binasang akda sa mga kaisipang namayani sa binasang akda

(F10PD-IVd-e-83)

• Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang

angkop na mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin

(F10WG-IVd-e-80)

Alamin

Page 4: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

4

Maligayang pagdating sa ikalimang modyul, kaibigan. Nagagalak akong

natapos mo nang buong husay ang ika-apat modyul. Ang galing mo! Mayroon na

naman tayong panibagong aralin na tatalakayin sa modyul na ito.

Sa modyul na ito, matatalakay natin ang mga kaisipang namayani sa

nobelang El Filbusterismo. Mayroon din akong mga gawaing inihanda para iyo

upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral sa modyul na ito. O, ano, handa

ka na? Tara na! Simulan natin!

Oopps! Bago ka magpatuloy ay sariwain muna natin ang iyong napag-aralan

mula sa nakaraang modyul. Batid kong alam mo na ang mga pangyayari mula sa

ikaanim hanggang sa ikasampung kabanata ng nobela. Ngayon sagutin mo ang

aking inihandang katanungan.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangyayari. Isulat ang TAMA kung ang mga pangyayari ay naganap sa mga nakaraang kabanata at MALI kung hindi.

_____ 1. Palihim na nagtungo si Basilio sa kagubatan na dati ay pag-aari ng

mga Ibarra na ngayon ay pag-aari ni Kapitan Tiyago.

_____2. Natuklasan ni Basilio na si Simoun at Ibarra ay iisa. _____3. Si Huli ay umaasang maghihimala ang Mahal na Birhen at

makakakita siya ng kapupunang pera upang pantubos sa amang si Kabesang Tales.

_____4. Naawa si Hermana Penchang sa nangyaring pagkamatay ni Tandang Selo.

_____5. Isinangla ni Kabesang Tales ang locket ni Huli kay Simoun.

Magaling! Tunay ngang ikaw ang may natutunan sa mga pangyayari ng mga

nakaraang kabanata ng nobela. Ngayon ihanda mo na naman ang iyong sarili para sa bagong araling ating tatalakayin.

Aralin 4.5

El Filibusterismo Kabanata 11-18

Balikan

Page 5: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

5

Alam mo ba?

Ang pagpapahayag ng opinion at sariling paniniwala ay maaaring pasalita o

pasulat. Sa pagbibigay ng opinion o saloobin, kinakailangan ang kasiguraduhan na

mailahad ang mga ideya nang may kaayusan.

May mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin.

Ito ang sumusunod:

• Kung ako ang tatanungin…

• Sa aking pananaw…

• Sa aking palagay…

• Sa tingin ko…

• Para sa akin…

• Sa aking opinyon…

Halimbawa: Sa aking pananaw, ang pagkakaroon ng mabuting asal ay isang

gintong kayamanan.

Gawain

Panuto: Basahin nang mabuti ang gintong kasabihan sa loob ng kahon. Gamit ang

graphic organizer sa susunod na pahina, ilahad mo ang iyong ideya, saloobin o

damdamin tungkol sa kahalagahan ng edukasyon. Gamitin ang mga salitang

naghuhudyat sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin.

Madalas nating marinig sa mga magulang ang ganito na sinasabi sa

kanilang mga anak, “Mag-aral kang mabuti, ‘yan lang ang maipapamana namin

sa iyo. Ang karunungan ay di mananakaw, di mawawala sa’yo dala mo ‘yan

hanggang kamatayan."

Lahat ay maaaring mawala sa’yo maliban sa karunungan na taglay mo. Ito ang

nag-iisang bagay na maipamamana natin sa susunod na mga henerasyon.

Tuklasin

Page 6: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

6

Kahanga-hanga ka kaibigan! nailahad mo ang iyong mga ideya kung bakit

mahalaga ang edukasyon sa buhay ng isang tao. Tunay ngang pinapahalagahann

mo ang edukasyon.

Basahin ang mga sumusunod na sipi sa bawat bahagi ng kabanata. Unawain nang

mabuti ang mga kaisipang tinalakay rito.

➢ Ang tinalakay na bahagi ay nagpapakita kung gaano ka

makapangyarihan ang salapi. Gaya ng ginawa ni Simoun kay

KAHALAGAHAN NG EDUKASYON

Para sa akin, __________

________________________

________________________

_______________________.

Kung ako ang tatanungin,

__________________________

__________________________

_________________________.

Sa aking palagay,

______________________

______________________

______________________.

May utang si Quiroga kay Simoun dahil kumuha ito ng tatlong pulseras

para pansuhol niya sa isang magandang babae na ang lakas ay lubhang

kailangan niya sa isang uri ng kalakal at pagtutubuan niya ng P6,000. Ang

utang niya kay Simoun ay P9,000. Sinabi ng mag-aalahas na ang utang niya

ay gagawin na lamang niyang P6,000 kung papayag siyang itago sa kanyang

tindahan ang mga armas niyang dumating. Pumayag si Quiroga.

Sipi mula sa Kabanata 16: Ang Mga Kapighatian ng Isang Tsino

Suriin

Page 7: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

7

Quiroga na kung saan nagkaroon ng utang si Quiroga kay Simoun ng

9,000. Ngunit sinabi ni Simoun na gagawin na lamang niyang 6,000

sa isang kondisyon, kung papayag si Quiroga na itago sa kanyang

tindahan ang mga armas ni Simoun. Ito ay nagpapatunay na lahat ay

magiging posible at maisasakatuparan ang iyong mga sariling interes

kung ikaw ay may maraming pera.

➢ Ang bahaging ito ay isang halimbawa ng taong may paninindigan sa

sariling prinsipyo. Pinapatunayan ito ni Isagani nang hindi siya

sumang-ayon sa mungkahi ni Pecson na gamitin si Pepay para

mapalapit kay Don Custudio para sa kanilang hangarin na

makapagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Nais niyang

gumawa ng marangal at iwasan ang masagwang paraan upang

makamit ang kahilingan.

➢ Masasalamin sa binasang bahagi ang hindi maayos at patas na

pamamalakad sa pamahalaan. Patunay rito ang pagpaparusa sa

sinumang magtangkang sumalungat sa kanilang pamamahala. Kahit

na maganda ang iyong intensiyon kung ito’y labag sa kanilang

alituntunin, ika’y mapaparusahan.

Dahil sa kagustuhan ng mga kabataang mag-aaral na maisakatuparan

ang planong pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila, gusto nilang

mapalapit kay Don Custodio. Nagmungkahi si Pecson na lapitan si Pepay,

isang mananayaw na malapit kay Don Custodio. Hindi sumang-ayon si

Isagani sapagkat mahalay tingnan kung pati kay Pepay ay lalapit pa sila. “May

iba pa namang paraan, gawin muna natin ang paraang hindi mahalay”,

sambit ni Isagani.

Sipi mula sa Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral

“Ang gumawa ng isang panukala bagama’t may mabuting layunin kung

laban naman sa alituntunin ng pamahalaan ay nakakasugat. Ang

magtangka ng ng pagkilos na salungat sa mataas na layunin ay isang

krimen na dapat parusahan”, ani G. Pasta

Sipi mula sa Kabanata 15 : Si G. Pasta

Page 8: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

8

Gawain 1

Isa sa kaisipang lutang sa nobela ay ang paggamit ng kapangyarihan.

Mapapansin ang pagwawalang-bahala ng pamahalaan sa kanilang tungkulin o

posisyon. Dahil dito, di nila namamalayang umaabuso na sila sa kanilang

katungkulan at nawawalan ng tiwala sa kanila ang taong bayan. Pansinin ang

talatang nasa loob ng kahon sa ibaba:

Isang pangit na halimbawa ng namamahala ang pagsupil sa mga tao tulad

ng guro ang hangarin para sa bayan. Ang pagsuspende ng guro ay isang paraan ng

pamahalaan upang takutin ang iba pang lingkod bayan na naghahangad ng

kabutihan para sa bayan.

Umisip ng mga pangyayari na iyong naranasan, nabalitaan, nabasa at

napanood na may kaugnayan sa anumang anyo ng paggamit ng kapangyarihan.

Ilahad ito sa graphic organizer at sagutin ang tanong sa susunod na pahina.

Nabanggit ang karaingan ng guro sa Tiyani na walang bubong ang

kamalig na nagsisilbing silid-aralan ng mga bata. sinabi ni Don Custodio na

gagamiting silid-aralan ang sabungan pagkat linggo lang ito ginagamit.

Iniutos ng Kapitan Heneral na suspindihin ang guro. “Sinumang

magreklamo ay suspendihin,” ang makapangyarihang utos.

___________

___________

___________

___________

___________

___________

___________

___________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

____________

Paggamit ng Kapangyarihan

Pangyayaring

Pandaigdig

Isyung

Pambansa

Gawaing

Pangkomunidad

Karanasang

Pansarili

Pagyamanin

Page 9: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

9

1. Bilang isang mag-aaral, mahalaga bang mulat ang ating mga mata sa mga

pangyayari sa ating kapaligiran? Ipaliwanag ang iyong sagot.

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________.

2. Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo mababago ang sistema ng ating

pamahalaan na kung saan umiiral ang pang-aabuso sa kapangyarihan?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________.

Gawain 2

Napakaraming mahalagang kaisipan ang nangingibabaw sa iba’t ibang

kabanata ng nobelang El Filibusterismo. Isa na rito ang kabuluhan ng edukasyon.

Sa akdang ito, ipinakita sa atin na sadyang ipinagkait sa mga kabataang Pilipino

ang edukasyon. Sinasadyang walain ang interes ng batang mag-aaral tulad ng

ginagawa ni Padre Millon kay Placido Pinetente nang sa ganoon ay walang

umusbong na matalinong Pilipino. Takot ang mga Kastila na kapag natuto ang mga

Pilipino ay may kakalaban at bubuwag sa kanilang katiwalian. Batay sa iyong

paniniwala at pagpapahalaga, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang masasabi mo tungkol sa sistema ng Edukasyon noon? Batay sa

iyong paniniwala, mayroon bang kaibahan ang sistema ng

edukasyon noon at ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Para sa akin,_______________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

______________________________________________________________.

Mahusay! Ang iyong ipinamalas sa pagsagot sa unang

gawain. Para mas malalim na pagkatuto, narito ang isa

pang gawain.

Page 10: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

10

Kumusta ang iyong pagsagot sa mga gawain? Nahihirapan ka ba o naging

madali lang para sa iyo? Para mas maging malinaw pa sa iyo ang ating aralin,

narito ang mga mahahalagang detalye na dapat mong tandaan:

❖ Mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng

saloobin/damdamin.

Ito ang sumusunod:

• Kung ako ang tatanungin…

• Sa aking pananaw…

• Sa aking palagay…

• Sa tingin ko…

• Para sa akin…

• Sa aking opinyon…

❖ Ang mga kaisipang namayani sa bawat kabanata ay

kakikitaan ng:

✓ kabuluhan ng edukasyon

✓ pamamalakad sa pamahalaan

✓ pagmamahal sa Diyos, bayan, kapwa-tao, pamilya

✓ kabayanihan

✓ karuwagan

✓ paggamit ng kapangyarihan

✓ kapangyarihan ng salapi

✓ kalupitan at pagsasamantala sa kapwa

✓ kahirapan , paglilibang, kawanggawa at paninindigan sa sariling

prinsipyo.

Isaisip

Page 11: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

11

Binabati kita kaibigan! Walang katulad ang iyong ipinamalas na sikap at

tiyaga upang iyong matamo ang kasanayan sa modyul na ito. Napakahusay mo! Ngayon ito na ang huling pagsubok na aking ibibigay sa iyo. Galingan mo pa. Alam

kong kayang-kaya mo ito. Sige na, gawin mo!

Panuto: Basahin at unawain ang mga nakasulat na pahayag o talata. Isulat sa

sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1.

Ano ang kaisipang nais ipahiwatig sa binasang bahagi?

a. kabuluhan ng edukasyon

b. kakulangan ng aspetong pinansyal

c. kahalagahan ng pangarap sa buhay

d. kawalan ng pagpapahalaga sa edukasyon

2.

Anong katangian mayroon ang tauhan sa binasa?

a. pagmamahal sa Diyos c. pagmamahal sa kapwa

b. pagmamahal sa bayan d. pagmamahal sa sarili

3.

Ano ang katangiang taglay ng guro sa binasang talata?

a. makapangyarihan bilang isang guro

b. malupit at mapagsamantala sa kapwa

c. mapanghusga sa kanyang mag-aaral

d. mapang-api at walang pakialam sa mag-aaral

Sinulatan ni Placido ng dalawang beses ang kaniyang ina na siya ay titigil

na sa pag-aaral. Subalit pinayuhan siya ng kaniyang ina na magtiis-tiis

muna sapagkat saying ang apat na taong kanilang pinaghirapan upang

makatapos siya ng Bachelor in Artes.

Lumabas si Isagani mula sa simbahan at nababakas sa kaniyang mukha

ang debosyon sa pagdarasal sa birhen upang gawing maliwanag ang

leksiyon sa araw na iyon.

Nahuli ng guro si Placido na tinuruan nito ng sagot si Juanito kaya siya

pinatayo. Sinabi pa ng guro na labinlima na raw ang kanyang liban sa klase

at isang liban na lang ay bagsak na siya. Nangatwiran si Placido na apat na

araw lang daw ang kaniyang liban, subalit ng sagot ng guro bihira lang daw

siyang magcheck ng attendance kaya tuwing magchecheck siya ay

minamarkahan niya ng limang liban si Placido at at binigyan pa siya ng

markang sero sa araw na iyon. Muling nangatwiran si Placido ngunit hinamak

siya ng guro.

Tayahin

Page 12: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

12

4.

Ang kaisipang nais ipahiwatig sa binasa ay –

a. kawanggawa

b. kapangyarihan ng salapi

c. pagsasamantala sa kapwa

d. paninindigan sa sariling prinsipyo

5.

Anong katangian ang ipinakita ng kapitan?

a. pagmamahal sa posisyon

b. paggamit ng kapangyarihan

c. paninindigan sa sariling prinsipyo

d. pagwawalang-bahala sa kapwa

6.

Ano ang kaisipang nangingibabaw sa binasa?

a. karuwagan c. kapangyarihan ng salapi

b. kawanggawa d. paninindigan sa sariling prinsipyo

7.

Ano ang katangiang ipinamalas ni G. Pasta?

a. karuwagan c. kapangyarihan ng salapi

b. kawanggawa d. paninindigan sa sariling prinsipyo

8.

Anong kaugalian ang masasalamin sa binasa?

a. pamamasyal sa gabi

b. paglilibang sa kapistahan

c. pagtitipon tuwing may okasyon

d. pagbaling ng atensyon sa oras ng kalungkutan

Naalala ni Placido ang isang mag-aaral na pumasa lamang sa asignatura

dahil sa pagreregalo ng kanaryo sabay bigay ng tatlong piso.

Ibinukas ni Macaraeg ang kaniyang tahanan sa kapwa niya mag-aaral upang

dito magtipon para sa isang mabuting layunin.

Kinumbinsi ni Isagani si G. Pasta na tulungan sila sa pagpapatayo ng

Akademya ng Wikang Kastila, subalit, napagdesisyunan ng abogado na ayaw

niyang isawsaw ang kaniyang daliri sa gayong kaselan na bagay. Kailangan

din niyang ingatan ang kanyang posisyon at pag-aari.

Tuwing pista, napakaganda at kaakit-akit ang gabi sa liwasan ng Quiapo.

Napakaraming tao na nais magpakasaya sa perya. Ang musika, kosmorama

at mga ilaw ng mga parol ay nagdudulot ng kasiyahan sa lahat.

Dahil sa mga reklamo at daing ng mga manggagawa sa kanilang trabaho,

tinanggal agad sila ng Kapitan Heneral.

Page 13: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

13

9.

Ano ang kaisipang nais ipahiwatig ng binasa?

a. kawanggawa

b. kapangyarihan ng salapi

c. pagsasamantala sa kapwa

d. paninindigan sa sariling prinsipyo

10.

Nais ni Senyor Pasta na ipaubaya na lang ni Isagani sa pamahalaan ang

anumang gusto nilang pagbabago.

Masasalamin sa binasa ang __________________ ng pamahalaan.

a. pagtulong

b. pagpapabaya

c. pamamalakad

d. pagpapaubaya

Napahiya nang husto si Placido kaya pasindak niyang sinabi sa pari na

malalagyan niya ng kahit ilang guhit pa ang kaniyang pangalan. Pero, wala

itong karapatan na siya ay hamakin at basta-basta na lamang alipustahin

ang kaniyang pagkatao na gayon na lamang. Idinagdag pa ni Placido na hindi

niya masisikmura at matitiis ang gayong pag-uugali ng pari.

Bilang pinuno sa isang grupo ng mag-aaral, hiniling ni Isagani na magtayo

ng Akademyang Kastila. Siya ay dumulog kay Senyor Pasta na isang

pinagkakatiwalaang abogado ng pamahalaan. Pinayuhan ng abogado si

Isagani na hayaan na lang ang pamahalaan na ibigay kung ano ang

makabubuti para sa kanila.

Walang duda! Ikaw ay napakahusay kaibigan. Natitiyak kong ang iyong bagong natutunan sa modyul na ito

ay naitatak na sa iyong puso’t isipan kaya’t saan ka man magpunta at anuman ang iyong mararanasan ay mailalapat

mo ito. Maraming salamat kaibigan! Mabuhay ka!

Page 14: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

14

Marami nang pelikula sa kasalukuyan ang tumatak sa puso ng bawat

Pilipino dahil sa tumatalakay ito sa ating kasaysayan at umani ng papuri mula sa

mamamayan dahil sa taglay nitong istorya at kaisipang ibinabahagi sa mga manonood. Panoorin ang video clip mula sa link sa ibaba, pagkatapos sagutin ang

mga sumusunod na katanungan.

https://www.youtube.com/watch?v=PBT-qSm-gJs

Karagdagang Gawain

MGA KAISIPANG NAMAYANI SA BINASANG AKDA

➢ kabuluhan ng edukasyon

➢ pamamalakad sa pamahalaan

➢ pagmamahal sa Diyos, bayan, kapwa-tao, pamilya

➢ kabayanihan

➢ karuwagan

➢ paggamit ng kapangyarihan

➢ kapangyarihan ng salapi

➢ kalupitan at pagsasamantala sa kapwa

➢ kahirapan , paglilibang, kawanggawa at paninindigan

sa sariling prinsipyo.

1. Ano-ano ang mga kaisipang

namayani sa napanood?

________________________________

______________________________________

______________________________________

______________________________________

______________________________________

_______________.

2. Iugnay mo ang mga kaisipang

namayani sa napanood at sa bahagi ng

akdang binasa.

________________________________

______________________________________

______________________________________

______________________________________

______________________________________

_______________.

Page 15: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

15

Sanggunian

Department of Education. Most essential learning competencies. Philippines:

Department of Education, 2020.

Lartec, Norbert, Demetrio, Lorilee, Mendoza, Dean, Lozano, Elizabeth. Maharlika:

Wika at panitikan ng bayang malaya IV El Filibusterismo. Antipolo City:

DJCE Enterprises, 2008.

Navarro. Ang pinaikling bersiyon El Filibusterismo ni Jose Rizal. Philippines: Prime

Multi Quality Printing Corporation, 2009.

Salum, Roselyn. El Filibusterismo: Dinisenyo batay sa kurikulum ng K-12.

Malabon City: Jimczyville Publications, 2015.

TBA Studios. “CineScript: Heneral Luna.” May 26, 2020. Youtube video, 4:27.

https://www.youtube.com/watch?v=PBT-qSm-gJs.

TAYAHIN:

1.A

2.A

3.B

4.B

5.B

6.B

7.A

8.B

9.D

10.C

KARAGDAGANG GAWAIN:

IBA-IBA ANG

SAGOT NG MGA

MAG-AARAL

Susi sa Pagwawasto

TUKLASIN:

IBA-IBA ANG

SAGOT NG MGA

MAG-AARAL

PAGYAMANIN:

GAWAIN 1

IBA-IBA ANG SAGOT

NG MGA MAG-AARAL

GAWAIN 2

IBA-IBA ANG SAGOT NG MGA MAG-AARAL

BALIKAN:

1.Tama

2.Tama

3.Tama 4.Mali

5.Mali

Page 16: 10...1 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 El Filibusterismo : Kabanata 11-18 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula2

16

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.